Monday, May 25, 2009

Aceman's Tagalog Assorted Rap Gospel and Love Songs

Aceman’s TagalogAssorted Rap Gospel and Love Songs

Anak Ng Diyos

Composed by Ace Orense

Intro:

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

I

Anak ng Diyos

Diyos ang ating ama

Siya sa atin ang lumikha

Lahat tayo’y magkakapatid

Mamuhay ng matuwid

Maghari ang pagmamahalan

Si Kristo ang daan

Mahalin ang Diyos higit sa lahat

Mahalin ang kapwa

Diyos ay natutuwa

Sa mga mabubuti niyang anak

Kabutihan ay laganap

Chorus:

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

II
Ako ay anak ng Diyos

Diyos ang aking Ama

Kabutihan ang aking ginagawa

Sambahin ang Diyos na lumikha

Sa akin Diyos ay natutuwa

Alagad ako ng Diyos

Sundalo ako ng Diyos

Anak ako ng Diyos

Mahal ako ng Diyos

Ang Ama sa akin ay nalulugod

Ako’y kanyang tagapaglingkod

Ang aking puso, katawan, at kaluluwa

Ay para lang sa Diyos ating Ama

Diyos ang maghari

Kabutihan ang magwawagi

Chorus:

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

III

Anak ako ng Diyos

Mahal ko si Kristong Tagapagtubos

Alagad ako ng Diyos

Mahal ko ang Diyos ng taos

Ako’y naglilingkod sa ngalan ng Ama

Minamahal ko ang aking mga kapwa

Tinutulungan ko ang nangangailangan

Pinagdarasal ko ang mga makasalanan

Nagsisimba ako tuwing araw ng linggo

Nagdadasal ako araw-araw ng rosaryo

Nagbabasa ako araw-araw ng Bibliya

Nangangaral ako sa mga tao ng Magandang Balita

Sinusunod ko ang mga kautusan ni Hesu-Kristo

Tayong lahat, halina at magbago

Tayo’y magpakabanal nang tayo’y maging santo

Nang sa ating pagpanaw sa langit lahat tayo

Manampalataya, gumawa ng kabutihan upang makamatan ang paraiso

Doon ay masaya, walang umiiyak, walang nagdurusa,

Walang nagugutom, walang nauuhaw, walang problema

Walang pangamba, walang sakit at sakuna

Gawin natin ang lahat, magpakabait at magpakabanal

Tuwing lingo magsimba, araw-araw magdasal

Makinig sa pangaral

Ang Amang Diyos ay banal, tayong mga anak dapat din maging banal

Magbigay sa nanlilimos

Mahalin ang Diyos ng taos

Ako ay anak ng Diyos

Chorus:

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Ako ay anak ng Diyos

Bakit Mo Ako Iniwan?

By Ace Orense

Chorus:

Bakit mo ako iniwan?

Puso ko’y iyong sinaktan

Sabi mo di mo ako iiwan

Ngayon ang buhay ko’y walang laman

Bakit mo ako iniwan

Ako’y iyong sinaktan

Giliw, ba’t mo ako iniwan?

I

Ako ay nalilito

Sa pag-ibig mo

Sabi mo mahal mo ako

Ngunit ako’y iniwan mo

Pinaasa mo lang ako

Giliw, ba’t ako’y iniwan mo

Sa iba, sumama ka

Di ba sa akin sumumpa ka?

Na walang iba

Ako ay iniwan mo

Ako ay nalilito

Puso ko’y nagdurugo

ko’y tulirung-tuliro

Puso ko’y sumasamo

Ako ay ibigin mo

Ako ay dinggin mo

Ang puso ko’y para lang sa ‘yo

Tumitibok ito para sa iyo

Wag mo akong iwan

Puso ko’y ikaw lang ang laman

Kailan ako tatahan?

Ikaw ang laman ng aking isipan

Kita’y aking niligawan

Ngunit ako’y iyong sinaktan

Bayan Ko

Rap lyrics by Ace Orense

Intro:

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto’t bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda’t dilag

At sa kanyang yumi at ganda dayuhan ay nahalina

Bayan ko nasadlak sa dusa

I

Pilipinas Perlas ng Silangan

Bayan ng karangalan

Nasyon ng mga bayani

Magigiting na lahi

Sa manlulupig di pasisiiil

Kalayaan kailanman ay di mapipigil

Pitong libong mga isla

Puspos ng pagpapala

Abot kamay ang mga tala

Mahal kong Pilipinas

Ikaw ang aking ina

Mahal kong Pilipinas

Ikaw lang wala nang iba

Chorus:

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto’t bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda’t dilag

At sa kanyang yumi at ganda dayuhan ay nahalina

Bayan ko nasadlak sa dusa

II

Ina kong bayan

Ikaw ang aking duyan

Katapatan ko ay para lang sa yo

Pag-ibig ko alay ko sa yo

Sa mananakop di ako patatalo

Ipaglalaban ko ang aking bayan

Lupaing aking pinagmulan

Perlas ng Silangan

Pilipinas lupain ng kayamanan

Dapat lang parangalan

Ang ating inang bayan

Ipagtatanggol kita sa karimlan

Kailanma’y di magwawagi ang kadiliman

Iniibig ko ang aking bayan

Puso at isip ko ay alay ko sa yo

Pagmamahal ko handog ko sa iyo

Pilipinas, minamahal kita

Pilipinas, iniibig kita

Chorus:

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto’t bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda’t dilag

At sa kanyang yumi at ganda dayuhan ay nahalina

Bayan ko nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilag

And dimag na sama kaalpas

Pilipinas kong minumutya

Duhat ng luha at dalita

Aking adhika

Makita kang sakdal laya

Dalaga

By Ace Orense

I

Dalagang kay ganda

Kumikislap ang mga tala

Napakaganda ng yong mga mata

Maamo ang iyong mukha

Mahaba ang iyong buhok

Tanggapin mo’ng aking alok

Dalaga, minamahal kita

Dalaga, iniibig kita

Na sa ’yo na lahat ng pagpapala

Lagi kang nasa aking ala-ala

Ibigay mo sa akin ang matamis mong oo

Pag-ibig ko sa ’yo kailanma’y di magbabago

Ang ganda-ganda mo

Ikaw ay napakabango

Sa ganda mo walang makakatalo

II

Dalagang kay ganda, sinisinta kita

Iniibig kita, minamahal kita

Tanggapin mo ang aking pag-ibig

Ikaw ang aking bukang bibig

Ang puso ko iyong binihag

Sa pana ni Kupido di ako makailag

Ako’y iyong alipin

Lahat ng gusto mo ay aking susundin

Irog minamahal kita

Ikaw ang aking sinta

Dalaga, ikaw ang mundo ko

Pag-ibig ko sa ‘yo kailanman ay di maglalaho

Dalaga, ikaw ang pag-ibig ko

Dalaga, ang puso ko’y sa ‘yo

Diyos Ama

Rap lyrics by Ace Orense

Intro:

Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos

Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Diyos Amang makapangyarihan sa lahat

I
Si Yahweh ang Diyos Ama

Siya ang Manlilikha

Diyos na Kataas-taasan
Hari ng sanlibutan

Diyos ng kabutihan

Kabanal-banalan

Siya ang lumikha sa tao at anghel

Ang pangalan niya ay Yahweh Sabbathiel

Puspos ng kapangyarihan

Walang hanggan ang kaalaman

Wala siyang kahinaan

Di natatalo sa digmaan

Sa masasama ay lumalaban

Diyos Amang Makapangyarihan

Yahweh ang kanyang pangalan

Chorus:

Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos

Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Diyos Amang makapangyarihan sa lahat

II

Si Yahweh ang aking hari

Ang utos niya ay di nababali

Mga kalaban winawaksi

Tinutulungan ang naaapi

Ang Diyos ay matapang

Siya ang lumalang

Si Yahweh ay mabagsik

Mga demonyo tumatalsik

Mga anghel humahalik

Nagkakasala sa kanya bumabalik

Ang masasama naghahasik

Ng lagim doon sa dilim

Pinupuksa niya sila

Lahat ng masasama

Doon sa impiyerno

Kinukulong at niluluto

Sa apoy mga kalaban umaapoy

Sila’y nagliliyab

Sa mabubuti pag-ibig ng Diyos ay umaalab

Kabutihan tumatalab

Pag-ibig nag-aalab

Mahal ni Yahweh ang mabubuti

Tinutulungan ang naaapi

Diyos na mahabagin

Kaluluwa naming ay kunin

Sa langit lahat ng mababait

Sa Diyos kami ay lumalapit

Di kami pinagkakait

Kay Yahweh tayo kumapit

Diyos Ama

Diyos na manlilikha

Kami ay paulanan ng pagpapala

Chorus:

Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos

Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Diyos Amang makapangyarihan sa lahat

Hindi Diyos Ang Pera

Composed by Ace Orense

Intro:

Hindi Diyos Ang Pera

Ba’t sinasamba ang pera?

Mukha na kayong pera

Ba’t Diyos Inneechepwera?

I

Bakit ang tao ganito

Pera’y sinasamba

Laging nakanganga

Naghihintay ng pera

Walang nasa isip kundi kwarta

Ang Diyos ineechepwera

Tignan mo sa balita

Nakawan ang makikita

Mga negosyante paramihan ng kita

Mga mayayaman parang adik sa pera

Aking ginugunita

Ang panahon ni Hesu Kristo

Noon siya ang sinasamba

Bakit ngayon ay pera na?

Pag Diyos Ama ang bumaba

Lilipulin niya tayo

Bakit, eh kasi tao sinasamba ang pera

Chorus:

Hindi Diyos Ang Pera

Ba’t sinasamba ang pera?

Mukha na kayong pera

Ba’t Diyos Inneechepwera?

II

Wala na akong makitang

Taong di sumasamba sa pera

Mukha na kayong pera

Tanging nasa isip ay pera

Lahat gustong magkapera

Kahit sino gustong magkakwarta

Kaya walang pagpapala

Lahat ng nasa isip ay pera

Panginoon kong Diyos

Kami ay itubos

Sa kumunoy ng apoy

Na nagliliyab sa impiyerno

Parusahan mo silang sumasamba sa pera

Pag ang Diyos ay nagalit

Dala ang espada niyang may karit

Lilipulin niya lahatng sumasamba sa pera

Ang Diyos ay mabagsik

Sa masama ay malupit

Kaya kayo’y matakot

O kayo ay malugmok sa kanyang poot

Kaya magbago na kayo

Diyos lang ang sambahin

Para ang kanyang galit di sa atin maibaling

Chorus:

Hindi Diyos Ang Pera

Ba’t sinasamba ang pera?

Mukha na kayong pera

Ba’t Diyos Inneechepwera?

Repeat until fade

Hosanna

Rap Lyrics by Ace Orense

Intro:

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Pinagpala ang napaparito

Sa ngalan ng Panginoon

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

I

Purihin ang Diyos sa kaitaasan

Kay Kristo ang ating kasalanan

Ay nahuhugasan

Panginoong Diyos Kataas-taasan

Kristo, Diyos ng kabutihan

Panginoon paambunan mo kami ng ‘yong grasya

Paulanan mo kami ng mga biyaya

Iiwas mo kami sa disgrasya

Iligtas mo kami sa sakuna

Patawarin mo kami sa aming mga sala

Bigyan mo kami ng gantimpala

Aba Maria puspos ka ng grasya

Ipagdasal mo kami sa Diyos Ama

Kristo aming Diyos na Tupa

Tubusin mo kami sa pagkakasala

Alay namin, kalabaw at baka

Prutas at gulay, manok at tupa

Tanggapin mo Ama ang aming alay

Mga anin naming gulay at mga palay

Panginoong DIyos sinasamba ka namin

Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw

Mga masasama sa impiyerno nalulusaw

Kristo mahal ka namin

Kami ay iyong ibigin

Pakinggan mo ang aming mga dasalin

Bigyan mo kami ng aming kakanin

Yahweh maawa ka

Kristo maawa ka sa amin

Chorus:

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Pinagpala ang napaparito

Sa ngalan ng Panginoon

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

II

Ang Diyos ay sambahin

Siya lamang ang ating ibigin

Ang aming mga dasal ay inyong dinggin

Kami sana ay inyong pagpalain

Ang mga masasama ay iyong lipulin

Doon sila sa impiyerno inyong ibaling

Halina magdasal sa simbahan

Para ating kasalanan ay mabawasan

Ang kasalanan ating ilisan

Diyos ng katarungan

Kami’y inyong alagaan

Sa langit kami ay mananahan

Basbasan mo ang aming tahanan

Wag mo kaming hahayaan

Mahulog sa tukso at gumawa ng kasalanan

Diyos namin wag mo kaming pababayaan

Ama Ikaw lang ang sasambahin

Ikaw lang ang aming iibigin

Diyos ng pag-ibig

Kami’y ibigin n’yo

Diyos ng pag-ibig

Kami’y patawarin n’yo

Diyos ng awa hari ng awa

Kami’y kaawaan n’yo

Chorus:

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Pinagpala ang napaparito

Sa ngalan ng Panginoon

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Hosanna, hosanna sa kaitaasan

Irog

Composed by Ace Orense

Intro:

Irog, minamahal kita

Ikaw lang aking sinta

Ikaw lang walang iba, Mahal Ko

Iniibig kita

Irog mahal kita sinta

Di mo ba nadarama?

I
Ikaw ang pag-ibig ko

Pag-ibig ko sa ‘yo ay totoo

Ikaw lang ang mahal ko

Ikaw lamang sinta ko

Ang iniibig ko

Pag-ibig ko sa’yo’y buung-buo

Di ako nagbibiro

Sa akin ay wag kang magtago

Hinding-hindi magbabago

Ang pag-ibig ko

Pangako sa’yo

Ipaglalaban ko

Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig

Pag-ibig di maglalamig

Sa ‘yo ako ay maligalig

Ipagkakalat ko sa buong daigdig

Na minamahal kita

Hanggang langit sinta

Chorus:

Irog, minamahal kita

Ikaw lang aking sinta

Ikaw lang walang iba, Mahal Ko

Iniibig kita

Irog mahal kita sinta

Di mo ba nadarama?

II

Irog minamahal kita

Ikaw lang aking sinta

Di mo ba nagugunita

Tayo ay masaya

Walang hanggang ligaya

Ikaw ang tangi kong biyaya

Iniibig kita

Ikaw lang walang iba

Sinisinta kita

Irog pag-ibig kita

Ako ay puspos ng pagpapala

Pagkat ika’y akin sinta

Dumudungaw ako sa bintana

Makita lang kita

Ano’ng ligaya

Alay ko sa’yo

Itong aking kanta

Dinggin mo aking harana

Pag-ibig ko sa‘yo’y di magbabago

Ikaw lang ang mahal ko

Mahal kita o irog ko

Chorus:

Irog, minamahal kita

Ikaw lang aking sinta

Ikaw lang walang iba, Mahal Ko

Iniibig kita

Irog mahal kita sinta

Di mo ba nadarama?

Jologs, Konyo

Composed by Ace Orense

Intro:

Jologs, Konyo

Pare-pareho lang

Repeat

I

Ang mga Jologs

Baduy daw kung manamit

Walang perang makamit

Di makabili ng mamahaling damit

Di makakain sa mga restawran

Dun na lang kumain sa ihawan

Ang celphone ay cheap

Ang ride ay jeep

Pero kahit ganito ang buhay nila

Silang mga jologs ay ubod ng saya

Simple lang ang buhay

Ngunit ito’y makulay

Madaling mapangiti

Manood ng sine

Silang mga jologs

Sila’y mga kalog

Buhay ay masaya

Sa simpleng ligaya

Chorus:

Jologs, Konyo

Pare-pareho lang

Repeat

II
Ang mga Konyo

Mamahalin ang auto

High end ang celphone

Magaganda ang damit

Makakapal ang wallet

Lahat nakakamit

Brand new ang mga gamit

Shopping galore

Do you want more?

Bahay ay malalaki

Tambayan ang Makati

English ang usapan

Tambay sa gym

Magaganda ang katawan

Silang mga konyo

Pera di nauubusan

Chorus:

Jologs, Konyo

Pare-pareho lang tayo

Repeat

III

Konyo o jologs

Pareho lang iyan

Pare-parehong mga tao

Magkaiba man ang kalagayan

Pare-parehong kumakain

Pare-prehong humihinga

Pare-parehong namumuhay

Mga mundo nila’y makukulay

Oh my gulay

Konyo or jologs

They’re all the same

Wag nang mag-aaway it’s so insane

Konyo or jologs pantay-pantay lang

Jologs, Konyo pare-pareho lang, baby, babeh

Chorus:

Jologs, Konyo

Pare-pareho lang

Repeat until fade

Kalikasan

By Ace Orense

Chorus:

Kalikasan

Bakit dinudumihan?

Kalikasan

Atin itong alagaan

Kalikasan

Protektahan ang kapaligiran

Kalikasan

Ating pangalagaan

Kalikasan

Ito’y iyong pagmasdan

I

Masdan mo ang kapaligiran

Di ka ba nagtataka?

Di ka ba nadudumihan?

Dati ang kapaligiran ay kay ganda

Ngayon ang kapaligiran ay nilulumot na

Ang mga basura sa ilog at dagat tinatapon

Wala nang hiya ang mga pugon

Mga bote at dyaryo, plastik at bakal,

Mg lumang kalakal sabon at kahon

Sa ilog at dagat tinatapon

Pagdating ng panahon ang tubig ay magiging lason

Ang hangin ngayon ay madumi

Kakasunog ng basura sa tabi-tabi

Polusyon galing sa usok ng mga sasakyan sa kalye

Mga basurang kalat nakakalat sa kalye

Sa dagat at ilog tinatapon ang dumi

Mga taong walang silbi

Ang kalikasan dumudumi

Di ilagay ang basura sa isang tabi

Mga tao parang walang pake

Pakinggan ninyo ang aking sinasabi

Mga basura ninyo iligay ng maayos sa isang tabi

Para ang polusyon ay di gumagrabe

Mga tambutso n’yo ipaayos ang kotse

Masdan mo ang kapaligiran

Tignan mo ang kailikasan

II

Masdan mo ang kapaligiran

Di ka ba nadudumihan?

Polusyon sa paligid, sa hangin, sa ilog at dagat

Ang itim na ng hanging Habagat

Polusyon ito ang pamagat

Ang mga basura hindi na masukat

Ang araw pa ba ay sisikat?

Tapikin mo ang ‘yong balikat

Ba’t ka nagkakalat?

Basahin mo ang nakasulat

Wag magtapon ng basura lalo na sa dagat

Mga pangkat nagkakalat

Tinatapon mga balat

Buksan ang mga palad

Itapon ng maayos ang kalat

Ang mga batang ngayon lang isinilang

May hangin pa kayang lalanghapin

May tubig pa kayang iinumin

Mag-isip-isip ka

Wag kang burara

Wag magtapon ng basura

Itapon ng maayos

Wag lubus-lubos

Maging disenteng tao

Tayo’y di kabayo

Tayo ay di aso

Maging responsible tayo

Masdan mo ang kapaligiran

Iligtas ang kalikasan

Kasal

By Ace Orense

Chorus:

Tanggapin mo aking singsing

Pag-ibig na nagniningning

Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan

Pangako ko di kita iiwan

Ikaw ang sagot sa aking mga dasal

Tayong dalawa’y magtatagal

Sa ‘yo ako pakakasal

I

Pag-ibig ko sa ‘yo ay totoo

Sana’y paniwalaan mo

Ang pag-ibig ko kailanma’y di magbabago

Di ako nagbibiro

Ikaw ang mahal ko

Sa aki’y wag kang magtago

Wag kang lumayo

Nandito lang ako

Kahit pa bumagyo

Puso ko’ magdurugo

Pag ika’y lumayo

Awit ko’y dinggin mo

Galing ito sa puso ko

II

Ikaw ang aking mahal

Ikaw ang sagot sa aking mga dasal

Ako nga ay mabagal

Pag-ibig ko nama’y tumatagal

Pag nandiyan ka mundo ko’y bumabagal

Sabihin man nilang ako’y hangal

Pag-ibig ko’y banal

Sa ‘yo ako pakakasal

Ikaw ang aking dangal

Habang tumatagal

Pag-ibig ko sa’yo ay lumalalim

Ako’y iyong dinggin

Wag mo akong lilisanin

Wag mo akong bitinin

Ng iyong pagmamahal

Di magtatagal

Ako sa ‘yo’y pakakasal

Kordero Ng Diyos

Rap lyrics by Ace Orense

Intro:

Kordero ng Diyos na nag-aalis

Ng mga kasalanan sa mundo

Maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos maawa ka

Kristo maawa ka

Yahweh maawa ka sa amin

I

Diyos ng Sanlibutan

Kami ay ‘yong kaawaan

Kristo Hesus

Kami’y nanlilimos

Ng iyong awa

Bigyan mo kami ng ‘yong biyaya

Paambunan mo kami ng grasya

Magpaulan ka ng pagpapala

Sana makamit namin ang pagpapala

Mga anghel sa mga tala

Sa langit kami’y inyong idala

Doon kami igala

Kristo sa amin ay maawa

Patawarin ang aming mga sala

Bigyan mo kami ng gantimpala

Ang takot nawawala

Sa pag-ibig na lubos

Pag-ibig sa’min ay ibuhos

Iligtas mo kami sa lunos

Kaawaan mo kami, Banal na Diyos

Sa araw ng pagtutuos

Chorus:

Kordero ng Diyos na nag-aalis

Ng mga kasalanan sa mundo

Maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos maawa ka

Kristo maawa ka

Yahweh maawa ka sa amin

II
O Banal na Diyos

Kami ay nanlilimos

Ng iyong pagpapala

Sa amin ikaw ay maawa

Patawarin ang aming sala

Diyos na Manlilikha

Ang inyong kagustuhan

Sa amin ay ipagawa

Kristo ika’y bayani

Kaluluwa iyong inani

Ikaw ang Tagapagtubos

Kristo kailanma’y di nalalaos

Pag-asa ng mga kapos

Kasalanan namin ay iyong hinihilamos

Siya’y pinatay

Sa krus namatay

Bagkus siya’y muling nabuhay

Ang buhay ay inalay

Para sa’ting kaluluwa

Ang Diyos Amang si Yahweh

Sa Kanya’y natutuwa

Tayo’y tuwang-tuwa

Dahil sa pagmamahal ng ating Diyos na Tupa

Kordero ng Diyos

Ligaya ng naghihikahos

Mahal tayong lubos

Ng Dakilang Tagapagtubos

Chorus:

Kordero ng Diyos na nag-aalis

Ng mga kasalanan sa mundo

Maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos maawa ka

Kristo maawa ka

Yahweh maawa ka sa amin

Kristo

Rap lyrics by Ace Orense

Intro:

Si Kristo ay namatay

Si Kristo ay nabuhay

Si Kristo ay babalik sa wakas ng panahon

I
Si Kristo ang Anak ng Diyos

Ang kanyang pagmamahal sa atin ay binuhos

Isinugo ng Ama

Upang tayo’y iligtas sa pagkakasala

Anak ng Ama

Puspos ng pagpapala

Walang bahid ng kasalanan

Kristo ang kanyang pangalan

Diyos ng kaligtasan

Nagkatawang tao

Upang iligtas tayo

Ang kasalananan ay inako

Sa krus ay ipinako

Chorus:

Si Kristo ay namatay

Si Kristo ay nabuhay

Si Kristo ay babalik sa wakas ng panahon

II
Kristo, Kristo aming tagapagligtas

Pag-ibig ay walang wagas

Isinugo sa mundo

Kasalanan ay naglaho

Winakasan ang kasamaan

Tinanggal ang kasalanan

O Hesus, sinasamba kita

O Hesus, minamahal kita

Sinong Diyos ang namatay para sa tao?

Si Kristo Hesus Diyos na nagkatawang-tao

Sa taghirap, tag-init, at tag-ulan

Si Kristo ang sandalan

Ang pag-ibig ni Hesus ay walang hanggan

Kristo , ikaw ang aking pastol

Kristo, ikaw ang aming tagapagtanggol

Kristo, pag-ibig mo sa amin ay ibuhos

Kristo, ikaw ang aming Diyos

Chorus:

Si Kristo ay namatay

Si Kristo ay nabuhay

Si Kristo ay babalik sa wakas ng panahon

Mahal Kita

By Ace Orense

I

Mahal kita, walang iba

Ikaw lamang sinta

Ikaw lang walang iba

Pag-ibig ko sa’yo

Kailanman hindi magbabago

Sa kagandahan mo walang makakatalo

Ang ganda ng ‘yong mukha

Para kang anghel sa mga tala

Wag ka sanang mawawala

Sa magagandang lugar kita igagala

Wag ka sanang madadala

Sa pagmamahal sa akin sinta

Di mawawala ang pag-ibig ko

Tanggapin mo ang pagmamahal ko

Sa puso ko, ikaw lang mahal ko

Kailanma’y di ito magbabago

Pag-ibig ko sa’yo’y di magigiba

Di mag-iiba

Mahal kita walang iba

Paniwalaan mo ako sinta

Mahal kita, walang iba

Sa puso ko’y ikaw lang aking sinta

Chorus:

Mahal kita, walang iba

Sa puso ko’y walang katulad mo, sinta

Mahal kita walang iba

Paniwalaan mo sana ako sinta

Mahal kita, walang iba

Sa puso ko’y walang katulad mo, mahal ko

II

Giliw, minamahal kita

Ikaw lang walang iba

Mamahalin kita magpakailanman

Pag ika’y mawala

Hahanapin kita kahit saan

Ikaw lang ang iibigin ko

Pag-ibig ko sa’yo’y totoo

Di ako nagbibiro

Tanggapin mo ang pag-ibig ko sa’yo

Ang aking sumpa mamahalin kita

Magpakailanman aking sinta

Wag ka sana sa’kin magsasawa

O ang mundo ko ay magugunaw

Ang puso ko ay malulusaw

Pag-ibig ko ay matutunaw

Ang buhay ko sa ‘yo lang gumagalaw

Liligawan kita araw-araw

Ibibigay ko sa’yo ang buwan at ang araw

Mahal kita walang iba

Dinggin mo ako aking sinta

Mahal kita walang iba

Pag-ibig ko’y ikaw lamang sinta

Chorus:

Mahal kita, walang iba

Sa puso ko’y walang katulad mo, sinta

Mahal kita walang iba

Paniwalaan mo sana ako sinta

Mahal kita, walang iba

Sa puso ko’y walang katulad mo, mahal ko

Makapiling Ka

By Ace Orense

Chorus:

Makapiling kang muli

Kahit na konting sagli

Pag-ibig ko’y di mawawagli

Mahalikan iyong pisngi

Puso mo aking hinihingi

Kalungkutan ko’y napapawi

Makapiling kang muli

I

Gusto kong makapiling kang muli

Kahit na sa konting sandali

Pag-ibig ko’y di mawawagli

Tatawagan kita baka sakali

Puso ko sa ‘yo’y nakatali

Ang pag-ibig ko kailanma’y di mababali

Sana’y makapiling kitang muli

Kahit na sandali

Minamahal kita

Ikaw lang, aking sinta

Ako’y walang sigla kapag wala ka

Ako’y malungkot kapag wala ka

Puso ko’y nagdurugo simula nang lumayo ka

Ikaw lang ang tangi kong pag-asa

Para ako ay lumigaya

Kailan ako makakalaya

Sa kalungkutan kong ito ako ay nagdurusa

Di ako natutuwa pagkat wala ka

Ikaw irog ko ang aking ligaya

Pag kasama kita, ako’y masayang-masaya

II

Kailan kita muling makikita

Punuin mo ako ng pag-asa

Sa ‘yo ano na bang balita?

Ikaw ba dyan ay masaya?

Aking ginugunita

Ang mga araw na tayo’y magkasama

Pag kasama kita, ano’ng ligaya

Pag tayo’y magkasama, ako ay masaya

Ako’y natutuwa tuwing nakikita kita

Nang ika’y lumayo, ako’y natuliro

Puso ko’y nagdugo, pag-ibig ko’y tuyung-tuyo

Sa ‘yo ako ay sumasamo

Giliw, ikaw ang pag-ibig ko

Kailan ba tayo muling magtatagpo?

Bakit ka sa akin ay lumayo?

Sana’y makapiling kitang muli

Kahit na sandali

May Kasintahan Na Ako

By Ace Orense

Chorus:

May kasintahan na ako

Ikaw ay nahuli

Dapat bang ako’y umibig pang muli

Di kita maalis sa aking isipan

Kahit isang saglit

Nakatingin sa buwan

Nangangarap na tayo’y nagsasagwan

Sa ilog na kayganda

Sa puso ko ikaw lang ang laman

Bakit ikaw ay nahuli?

May kasintahan na ako

I
Babe, ba’t ngayon ka lang dumating

Ikaw ang tangi kong hinihiling

Kay tagal kitang hinintay

Mundo ko’y binigyan mo ng kulay

Kagandahan mong taglay

Ay walang sablay

Tanggapin mo pag-ibig kong alay

Alay ko sa yo ang pag-ibig ko

Kailanman hindi ito magbabago

Puso ko’y magdurugo kung ako’y iiwan mo

Nagdasal na ako sa lahat ng mga santo

Para ako’y ibigin mo

Pag-ibig ko’y tanggapin mo

Galing ito sa puso ko

Ako’y tuliro kapag wala ka

Puso ko’y magdurugo

Pag ika’y lumayo

Bakit ngayon ka lang dumating?

Ikaw ang tangi kong hiling

II

Ba’t ngayon ka lang dumating?

Ngayong may kasintahan na ako

Dapat ko ba s’yang limutin?

Sa ‘yo ako ay nabibitin

Kung mahal mo rin ako sa akin ay sabihin

Ikaw ang tangi kong hiling

Di mo ba napapansin?

Sana ay tanggapin mo

Ang pag-ibig ko

Di kita iiwan

Kita’y hahalikan

Sa ilalim ng buwan

Doon tayo sa dagat

Magsasasagwan

Araw-araw kitang liligawan

Di ka na maaalis sa aking isipan

Wag mo kong iiwan

Pag-ibig ko sa ‘yo’y di mapapigilan

Pagmamahal sa akin wag mong titigilan

Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan

Dadalhin kita sa kalangitan

Mamahalin kita magpakailanman

Naaalala Mo Pa Ba?

By Ace Orense

I

Naaalala mo pa ba?

Nu’ng tayo’y bata pa

Pagkatapos ng eskwela

Doon tayo sa bahay n’yo

Tayo’y sumasayaw

Di ako marunong sumayaw

Kaya’t ako’y tinuturuan mo

Kung paano gumalaw

Pagkatapos tayo’y sabay umiinom ng sabaw

Kumakain tayo ng gulay at lutong palay

Tayo’y walang kamalay-malay

Mundo natin ay makulay

Doon sa inyong bahay

Tayo’y sabay-sabay

Sumasayaw araw-araw


II

Giliw minamahal kita

Lagi kang nasa aking isip sa twina

Ikaw lang aking sinta

Ang iibigin ko

Ipagkakalat ko sa buong mundo

Na ika’y iniibig ko

Di ako nagbibiro

Ako ay tuliro

Kapag wala ka

Kapag nandito ka

Ano’ng ligaya

Kapag kapiling ka

Ako ay masaya

Ako’y kay saya

Aking nagugunita

Noong tayo pa sinta

Ngunit tayo’y nagkalayo

Ako’y natuliro

Puso ko ay nagdugo

Ako’y gulung-gulo

Nag-iba aking mundo

Naaalala

By Ace Orense

Chorus:

Naaalala mo pa kaya

Ang ating pag-ibig

Dati ay kay ligaya

O anong saya

Ngunit ako’y iniwan mo

Puso ko ay natuyo

Naaalala mo pa ba

Ang ating sumpaan

Na kailanma’y di tayo magwawalay

Naaalala mo pa ba?

I

Mahal ko, iniibig kita

Hanggang sa dulo ng mundo’y hahabulin kita

Mahal kita sinta

Ikaw lang,walang iba

Giliw, minamahal kita

Di magbabago ang pagtingin ko sa’yo sinta

Iibigin kita magpakailanman

Para sa iyo’y pipitasin ko ang buwan

Ang araw at bituin sa ‘yo ko ihahain

Alay ko sa ‘yo’y mga pakwan

Mga prutas at rosas kita’y dadalhan

Paglulutuan kita ng masasarap na pagkain

Pag-ibig ko’y iyong dinggin

Sa ‘yo ako’y sumasamo

Ako sana’y ibigin mo

Tanggapin mo ang pag-ibig ko

Alay ko sa ‘yo ang puso ko

Para lang sa ‘yo ang pag-ibig ko

Giliw, minamahal kita

Ikaw lang walang iba

Mahal kita sinta

II

Bakit nagkaganito?

Tayo ay nagkalayo

Ako ay iniwan mo

Sa iba ka sumama

Ako’y nangungulila

Sa pag-ibig mo

Bakit mo ako iniwan

Ikaw ang tangi kong kaligayahan

Ang puso ko ngayon ay duguan

Pagkat ako’t iyong iniwan

Sabi mo pag-ibig mo’y di magmamaliw

Bakit ako’y iniwan mo, iba na ang iyong aliw

Mahal pa rin kita giliw

Naaalala mo pa ba

Nu’ng tayo pang dalawa?

Tayo ay kay saya

Sa piling ko, ika’y maligaya

O anong saya

Noong tayo pang dalawa

Ngunit ako’y iniwan mo

Bakit tayo nagkaganito

Ang pag-ibig na wagas

Ngayon ay nalulugmok

Ako’y sinisinok

Naaalala kita sa twina

Kahit tayo’y wala na

Minamahal pa rin kita

Dito ka sa puso ko nananahan sinta

Giliw, mahal pa rin kita

Nandito lang ako

By Ace Orense

Chorus:

Nandito lang ako

Giliw, Iniibig kita

Minamahal kita

Handa akong maghintay sa ‘yo sinta

Nandito lang ako

Handang ibigin ka

Hihintayin kita aking sinta

I

O aking sinta

Iniibig kita

Minamahal kita

Ikaw lang aking sinta

Alay ko sa ‘yo ang pag-ibig ko

Kailanma’y di ito magbabago

Para lang sa ‘yo itong puso ko

Ang pag-ibig ko’y alay ko sa ’yo

Di mo ba nadarama?

O aking sinta

Di kita iiwan

Dito ka sa puso ko magpakailanman

Hahanapin kita kahit na saan

Nandito lang ako maging sa tag-ulan

Nandito lang ako kahit umulan

Mamahalin kita magpakailanman

II

Nandito ako para lang sa’yo

Di mo ba alam, ikaw ang mundo ko

Sa iyo umiikot ang aking mundo

Ang pag-ibig ko, kailanma’y di magbabago

Pag nawala ka, puso ko’y magdurugo

Ako’y matutuliro

Ang pag-ibig mo, sa akin ay ‘wag itago

Iibigin kita kahit magunaw ang mundo

Mamahalin kita magpasawalang-hanggan

Mamahalin kita magpakailanman

Tanggapin mo ang pag-ibig ko sa iyo

Maghihintay ako

Pangako sa iyo

Nang Makita Kita

By Ace Orense

I

Nang Makita kita

Ako’y napanganga

Ako’y natulala

Sa taglay mong ganda

Ang iyong mukha

Napakaganda

Ang iyong mga mata

Para bang mga tala

Ang iyong mga labi

Tila bang nagsasabi

“O lumapit ka

Kung gusto mo akong halikan

Di kita sasawayin

Alam na alam mo namang ito’y gusto ko rin

Alam na alam mo naming ako’y kikiligin”

II

O irog ko minamahal kita

Gagawin ko ang lahat makamtan lamang kita

Ibibigay ko sa yo ang mga tala

Sa lahat ng bansa kita’y igagala

Susungkitin ko ang buwan sa kalawakan

Ibibigay ko sa yo lahat ng yong kagustuhan

Pag-ibig ko, minamahal kita

Gagawin ko ang lahat Makita lang kita

Ibigay mo sa akin matamis mong oo

Ibibigay ko sa yo ang aking puso

Pag-ibig ko sa yo ay totoo

Sana ay malaman mo

Mahal kita, mahal kita

Mahal ko, iniibig kita

Pag-ibig Ko

By Ace Orense

Chorus:

O pag-ibig

Pag-ibig ko sa yo’y totoo

O pag-ibig

Hahanapin kita

O pag-ibig

Ipaglalaban kita

O pag-ibig

Giliw, minamahal kita

I

Wag ka nang malito

Kapag puso’s tumibok, mudo mo’y hihinto

Makinig ka sa sasabihin ko

Ang puso’y marupok, kapag umibig ka, di ito hihinto

Ang pag-ibig walang sinasanto

Kung ikaw ay tuliro, umibig ka, puso mo’y tatakbo

Ito’y lulundag na parang kabayo

Kapag umibig ka, matatanggal ang ‘yong silakbo

Ito’y malulugmok na parang pinapatay na lamok

Ang pag-ibig di nagbabago

Makinig ka sa aking kwento

O pag-ibig kapag tinamaan ang sinuman

Hahamakin ang lahat masunod ka lamang

II

Nang ika’y makita ko, puso ko’y tumibok

Sa’yo ako lumalapit na para bagang lamok

Tanggapin mo ang aking alok

Ang pag-ibig ko, kailanma’y di malulugmok

Ang puso ko sa ‘yo’y sumalpok

Pag ika’y lumayo, puso ko’y mawawasak

Hanggang sa pagputi ng uwak

Iibigin kita

Ang pag-ibig ko’y di mawawasak

Sintamis ng alak ang mga labi mo

Singganda ng anghel ang mukha mo

Sana tayo’y magka-anak pagdating ng panahon

Puso ko ay papatak pag ako’y iniwan mo

Ako’y kumakatok sa puso mo

Aking binabalak araw-araw ligawan ka

Ikaw lang ang mahal ko

Pangako ko sa ‘yo sinta

Sagot

By Ace Orense

I

Nagdarasal ako sa simbahan

Na ikaw ay aking makamtan

Wag mo akong iiwan

Wag mo akong lilisan

Giliw ikaw ang pag-ibig ko

Ikaw lang ang mahal ko

Minamahal ko ikaw lang sinta ko

Ikaw ang ligaya ko

Kailanma’y di magbabago

Ang pagibig ko

Ang puso ko ay alay ko sa ‘yo

II

Ang pag-ibig ko’y para lang sa ‘yo

Ang puso ko’y tumitibok para sa iyo

Pag wala ka ako’y tuliro

Puso ko’y nagdurugo

Ang pag-ibig ko sa’yo

Kailanma’y di magbabago

Ang pagmamahal mo sa akin ay wag mong itago

Pag-ibig ko sa’yo araw-araw lumalago

Lumalalim ng lumalalim

Di ito kumukulimlim

Maging sa dilim

Sa akin sana’y wag kang lumayo

Puso ko’y naninibugho

Pag may kasama kang iba

Wag mo sana akong ipagpalit

Sa aking isipa’y di ka mawawaglit

Ako’y iyong hagkan

Para aking kalungkutan ay mabawasan

Para aking sugat ay maibsan

Ako ay naghihinay

Kailan mo ako sasagutin?

Ang aking puso ay paligayahin

San Gabriel

Composed by Ace Orense

Intro:

San Gabriel

Banal na Anghel

San Gabriel

Prinsipe na Arkanghel

San Gabriel

Prinsipeng Anghel

San Gabriel

Mabuti na Anghel

San Gabriel

Makapangyarihang anghel

I

San Gabriel

Prinsipeng Arkanghel

Banal na Anghel

Mabuti na Anghel

Prinsipeng Anghel

Makapangyarihang Anghel

Mga demonyo tinatakwil

Kasamaan tinitigil

Mga demonyong may pangil kanyang sinisingil

Mundo ay tumitigil Pag kanya itong pinigil

San Gabriel Arkanghel

Mga demonyo iyong itakwil

San Gabriel Arkanghel

Makapangyarihang Anghel

Chorus:

San Gabriel

Banal na Anghel

San Gabriel

Prinsipe na Arkanghel

San Gabriel

Prinsipeng Anghel

San Gabriel

Mabuti na Anghel

San Gabriel

Makapangyarihang anghel

II

Gunitain natin si San Gabriel

Prinsipeng Arkanghel

Banal na Anghel

Mabuti na anghel

Makapangyarihang anghel

Prinsipeng anghel

Si San Gabriel kay Maria nanligaw

Si Maria ay kanyang dinalaw

Upang ianunsiyo na siya’y magdadalang-tao

Ang anak ng Diyos ay kanyang isisilang

Bugtong na Anak ng Diyos na may lalang

Si Kristo Hesus ang kanyang isisilang

Hindi na mabilang ang kabutihang ginawa ni San Gabriel

Siya ay sinugo sa propetang si Daniel

Upang ilathala ang mga babala

Na mangyayari sa hinaharap

San Gabriel sa ulap

Ika’y aming hinahanap

Kalangitan sana’y aming malanghap

San Gabriel, di kumukurap

Ilabas mo ang iyong espada at sibat

Lipulin mo ang mg ademonyong nakakalat

Gabriel, basahin mo ang nakasulat

Sa banal na tipan ay iyong iulat

Anghel na mensanghero
San Gabriel, ikaw ang aming hero

Chorus:

San Gabriel

Banal na Anghel

San Gabriel

Prinsipe na Arkanghel

San Gabriel

Prinsipeng Anghel

San Gabriel

Mabuti na Anghel

San Gabriel

Makapangyarihang anghel

San Miguel

Composed by Ace Orense

Intro:

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Prinsipe ng mga Arkanghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Pinuno ng mga anghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Kalaban ng masasamang anghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Hari ng mga anghel

I
San Miguel Arkanghel

Prinsipe ng Arkanghel

Pinuno ng mg anghel

Kalaban ng masasamang angel

Hari ng mga anghel

Anghel na Tagapagtanggol

Mga demonyo’y nililipol

Ilabas mo ang yong espada

Isuot ang yong korona

Anghel na mandirigma

Dalhin ang mga pana

Anghel sa mga tala

Puspos ng pagpapala

San Miguel, San Miguel

Sugpuin ang mga taksil

San Miguel, San Miguel

Mga demonyo’y itakwil

Chorus:

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Prinsipe ng mga Arkanghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Pinuno ng mga anghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Kalaban ng masasamang anghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Hari ng mga anghel

II

San Miguel Arkanghel

Pinuno ng mga anghel

Kalaban ng masasamang anghel

Prinsipe ng Serafim

Tanglaw sa dilim

Kalaban ng mga naghahasik ng lagim

Ilabas ang yong mga pakpak

Mga kalaban lumalagakpak

Lumipad sa kalangitan

San Miguel huwaran ng kabaitan

Ipagtanggol ang Diyos

Mahalin siya ng lubos

San Miguel, San Miguel

Hari ng mga anghel

San Miguel, San Miguel

Pinuno ng mga anghel

Chorus:

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Prinsipe ng mga Arkanghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Pinuno ng mga anghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Kalaban ng masasamang anghel

San Miguel, San Miguel, San Miguel

Hari ng mga anghel

Si Kristo Ang Aking Pastol

Composed by Ace Orense

Intro:

Si Kristo ang aking pastol

Sa kalaban ako’y ipinagtatanggol

Si Kristo ang aking pastol

Mga anghel sumisibol

I
Si Kristo ang aking pastol

Ako’y kanyang ipinagtatanggol

Doon niya ako dinadala

Sa mga lugar na kay ganda

Ako’y kanyang pinagpapala

Langit ang gantimpala

At kapag ako’y nagkakasala

Tinutuwid niya ako sa landas na tama

Pinapakinggan niya ang aking mga dasal

Tinuturuan niya ako ng magagandang asal

Nang dahil sa kanya minamahal ako ng Diyos Amang Maykapal

Kay Kristo tayo lahat ikakasal

Si Hesus ay mapagmahal

Siya’y walang kasing banal

Panginoon kong Hesus

Pakinggan ang aking dasal

Chorus:

Si Kristo ang aking pastol

Sa kalaban ako’y ipinagtatanggol

Si Kristo ang aking pastol

Mga anghel sumisibol

II

Si Hesus ang ating kuya

Si Yahweh ang ating Ama

Mahal tayo ng Diyos

Magdasal ng lubos

Damahin ang kanyang haplos

Pag-ibig niya ay binubuhos

Sambahin ang Banal na Trinidad

Mga anghel lumilipad

Mga panalangin natutupad

Sa Diyos sino ang makakatulad?

Si Hesus ang aking pastol

Sa kalaban ako’y pinagtatanggol

Mahal tayo ni Hesus

Lalo na ang nanlilimos

Kumapit tayo sa Diyos

Lahat ay maaayos

Kaisa-isang Anak ng Ama

Bugtong na Anak puspos ng pagpapala

Panginoon kong Hesus, minamahal kita

Panginoon kong Hesus, sinasamba kita

Chorus:

Si Kristo ang aking pastol

Sa kalaban ako’y ipinagtatanggol

Si Kristo ang aking pastol

Mga anghel sumisibol

Sikat

By Ace Orense

I

Ika’y sikat na sikat na

Mga tao bumibili ng ‘yong mukha sa twina

Upang makita ang mukha mong kay ganda

Mahal kita aking sinta

Mula nang una pa kitang makita

Ano na sa ‘yong balita?

Ikaw ba ay masaya

Sa piling ng iba?

Ikaw nga ay sikat na

Ako’y nilimot na

Wala na ako sa ‘yong kwenta

Ako ngayon ay tulala

Ako ay iniwan mo

Ngayon ay wala ka na

II

Ikaw ngayon ay kay ganda

O anong ganda

Ika’y sikat na sikat na

Sa mga babasahin nakalantad ang iyong mukha

Na ubod ng ganda

O kay ganda

Lahat sa ‘yo ay lumalapit

Sa kagandahan mo’y abot ang langit

Dati ikaw ay mabait

Ngunit ngayo’y anong sungit

Dati naman ika’y pangit

Pero mahal pa rin kita

Ngunit ika’y nagbago na

Nagbago nang lahat sa ‘yo

Ang iyong ngiti

Ang iyong tingin

Dati ako ang pag-ibig mo sa akin ka nakabaling

Noon, sabay pa tayong kumakain ng saging

Ngayon iba ka na

Pag-ibig mo’y naglaho na

Mahal kita sinta

Ikaw ang naiisip ko sa twina

Ngunit ika’y nagbago na

Sa iba’y sumama ka

Ako’y nakalimutan na

Pagkat ika’y sikat na

Sinta

By Ace Orense

Chorus:

Sinta, minamahal kita

Sinta, hanap-hanap kita

Sinta, iniibig kita

Sinta, tangi kong ligaya

I

Ikaw ang aking pag-ibig sinta

Pag kasama kita

Ako’y kay ligaya

Di ka maalis sa aking isip sinta

Ang pag-ibig ko sa iyo

Hanggang langit sinta

Kailan kita muling makikita

Ang pangarap ko

Ay makasama kita

Ika’y aking iniibig sinta

Kailan kita muling makikita

Hinahanap-hanap kita sinta

Ikaw ang tanging pag-ibig ko

II

Mahal na mahal kita

Ikaw ang pag-ibig ko sinta

Kailan kita muling makikita

Ikaw ang pangarap ko sinta

Pag-ibig ko sa ‘yo at totoo

Kailanman hindi ito magbabago

Ikaw ang pag-ibig ko

Nandito ka sa puso ko

Luha ko ay tumutulo

Pagkat nasa malayo ka

Puso ko’y nagdurugo

Kailan kita muling makikita?

O aking mahal, bumalik ka na

Tulala

By Ace Orense

Chorus:

Tulala

Para Akong Tanga

Tulala

Laging nakanganga

Tulala

Lagi kang nasa isip sinta

Tulala

Kailan kita muling makikita

Tulala

Kailan kita makikilala?

Tulala

I

Araw-araw nakikita kita

Doon sa ating eskwela

Para akong tanga

Ako’y nakanganga

Natutulala sa taglay mong ganda

Alay ko sa ‘yo itong kanta

Na tinutugtog ng aking banda

Ang ganda-ganda mo

Naaamoy ko ang ‘yong bango

Pag-ibig ko ay alay ko

Para lang sa ‘yo

Iniibig kita

Noong una pa lang kitang nakita

II

Tinitignan kita

Pag nakita ka

Ako’y tuwang-tuwa

Makita lang kita

Parang nasa langit na

Ako ay sumusulyap

Hangin aking nasasagap

Aking nilalanghap

Ang iyong amoy na mabango

Lagi kang bagong ligo

Simoy ng hangin napakabango

Tanggapin mo ang pag-ibig ko

Ako sa ‘yo ay sumasamo

Kahit bumagyo

Nandito lang ako

Pag-ibig ko’y para sa ’yo

Ako ay tumatango

Pagkat ilong ko ay pango

Kakapalan ko ang mukha ko

Para lang sa ’yo

Giliw iniibig kita

Minamahal kita

Sana mapasa’kin ka sinta

Irog minamahal kita

Viva Pilipinas

Composed by Ace Orense

Intro:

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

I

Viva Pilipinas

Sigaw ng ating bayan

Viva Pilipinas

Kaya natin yan

Tatlong daang taon

Ipinaglaban ang kalayaan

Dugo ang ibinuwis

Para maibsan ang hapis

Mga bayaning tagapagtanggol

Pag-asa ng mga sanggol

Jose Rizal

Sagot sa ating mga dasal

Lapu-lapu

Mga kaaway ay naglaho

Andres Bonifacio

Emilio Aguinaldo

Emilio Jacinto

Apolinario Mabini

Mga bayani ng ating lahi

Ibinuwis ang kanilang buhay

Para sa’ting bayan buhay ay inalay

Chorus:

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

II

Pilipinas

Perlas ng Silanganan

Lupain ng ginto’t bulaklak

Pitong libong isla sa dagat

Lupang hinirang

Duyan ka ng magiting

Sa manlulupig di ka pasisiil

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko nasadlak sa dusa

Mga bayani mo ipinagtanggol ka

Ipinaglaban ka

Ibinuwis ang dugo at buhay

Buhay ay inalay

Pilipinas aking bayan

Iibigin kita magpakailanman

Buhay at puso ko

Ay para lang sa ‘yo

Chorus:

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Viva Pilipinas Viva Pilipinas

Wag Mo ‘Kong Iyakan

Composed by Ace Orense

Intro:

Wag mo ‘kong iwan

Wag mo ‘kong iyakan

Wag mo ‘kong iwan

Kailan ka tatahan?

Wag mo ‘kong iwan

Ayaw kitang iwan

Wag mo ‘kong iwan

Nandito na ‘ko sa kalangitan

I

Tayo’y magkapatid sa binyagan

Pareho tayong ipinanganak sa Bayanan

Doon tayo lumaki sa Nagtahan

Araw-araw tayong nagsisimba sa Baclaran

Noon tayo ayhari ng lansangan

Tayo’y magkasama sa bakbakan

Di tayo tumatakbo sa labanan

Di tayo natatalo sa digmaan

Naaalala mo pa ba ang ating sumpaan

Kahit ano’ng mangyari walang iwanan

At kapag tayo naman ay nagkasala

Sabay tayong nangungumpisal sa parokya

Tayo’y masaya kung magkasama

Sabay pa tayong manligaw ng dalaga

Ngunit biglang nangyari ang di inaasahan

Ako ay nabaril sa Baclaran

Katawan ko ay nagdugo, buhay ko ay nakitilan

Ngayon katawan ko’y nasa simbahan

Doon ako sa sentro pinaglalalmayan

Kapatid ko wag mo kong ipaghiganti

Akin kitang binabalaan

Hayaan mo na ang Diyos humatol ng katarungan

Lahat kayo ay pumunta sa ‘king libingan

Upang ako’y ihatid sa aking huling hantungan

Chorus:

Wag mo ‘kong iwan

Wag mo ‘kong iyakan

Wag mo ‘kong iwan

Kailan ka tatahan?

Wag mo ‘kong iwan

Ayaw kitang iwan

Wag mo ‘kong iwan

Nandito na ‘ko sa kalangitan

Bridge:

Kuya ko bakit ako’y iniwan mo

Ang buhay ko’y gulung-gulo

Ako ay litung-lito

Sira na ang mundo ko

Bakit ba nagkaganito

Ang buhay ko’y alay sa iyo

II

Wag kang umiyak

Ako ay nagagalak

Ako ay nasa langit na

Wala na ‘kong pangamba

Noong ako’y nabubuhay pa

Buhay ko’y walang saya

Ako noo’y walang sigla

Lagi na lang tulala

Minsan ay nagtataka

Bakit ako’y walang-wala

Dapat ikaw ay Masaya

Ako’y nasa langit na

Wag ka nang umiyak

O ako ay masasadlak

Puso ko’y nabibiyak

Pag ika’y umiyak

Mahal tayo ng Diyos

Si Kristong tagapagtubos

Kung ikaw ay mabait

Dito ka sa langit

Ang masasama sa impiyerno ang mga pangit

Pakinggan mo akin kang binabanggit

Hinahabilin kita sa Diyos Ama ng langit

Wag ka nang umiyak

Sa langit ako’y nagagalak

Chorus:

Wag mo ‘kong iwan

Wag mo ‘kong iyakan

Wag mo ‘kong iwan

Kailan ka tatahan?

Wag mo ‘kong iwan

Ayaw kitang iwan

Wag mo ‘kong iwan

Nandito na ‘ko sa kalangitan

No comments:

Post a Comment